milenyo, 32 hours of darkness and more …

when i woke up last thursday i was wondering if pagasa was right about the signal no. 3 (alam nyo naman … hari ng sablay ba?). no rain, no thunder, no strong winds whatsoever. and its 5am already! color coding ang kotse ko, need to start moving otherwise it will be another 300-pesos ticket for me. pero … may pasok ba kami? i called the office hotline, the recording said “today is a regular working day in all … offices” … damn! texted people ‘in the know’ asking if there is work … wala pa raw official … sabi sa handbook automatic daw pag signal no. 3 … meron daw pasok … teka lang daw, naguusap pa mancom. at around 6am, the office text brigade kicked in … no work due to the typhoon, sabi ni very big boss. yun naman pala e. ay, bless him kasi maawain sya sa mga employees … di tulad ng iba, pinapasok pa rin ang mga employees nila kahit signal no. 3 na! kaya lang nakapaligo na ko, buti na lang di pa nakakaalis ng bahay. now, i can go back to sleep … kaya lang basa na ang buhok ko :)

milenyo picture

the typhoon started to show its teeth just before lunch time … habang tinatanong ni Kris Aquino ang buong sambayanan ng ‘Pilipinas, Game Ka Na Ba?’, nagsimula ng lumakas ang ulan at hangin. at di pa man sumasayaw ng ‘boom tarat tarat’ ang audience ng Wowowee e nawalan na kami ng kuryente … dang! and that’s the start of our 32-hrs no-electricity saga. with that, water and internet also went kaput. buti na lang nalamanan ang tangke namin bago nawalan ng kuryente at hindi kami gaano nagdusa sa walang tubig. buti na rin lang may signal pa rin ang Globe at di kami affected sa ‘cellphone blackout’ … pwede pa rin ako magcheck ng internet thru wap! at buti na rin lang meron pa rin kaming transistor radio at meron kaming stock ng batteries. kung nagkataon, wala kaming gagawin sa bahay kungdi magtitigan na lang … o di kaya e kumain at matulog na lang, mga patabaing baboy kumbaga :)

friday … still, no classes and no work in the government. logical decision actually … with no electricity, no lrt and mrt at sa dami ng dapat ayusin at linisin sa kalye, i dont see the point of making people go to work … papahirapan mo lang sila magpasipasok lahat. makakagulo lang kumbaga. there’s also no work in our office, skeletal force lang … but the announcement (text brigade again) came too late, at around 7am! karamihan e on the way to the office na i guess, karamihan din e wala ng charge ang mga cellphone kaya di nareceive ang text :D (kasi kung may battery sila, sigurado katulad ko rin silang alas-singko pa lang e nagtetext na para magtanong kung may pasok :D) ako, di na ko pumasok … masyado akong maraming dadaanan na problema. wag na lang, ayoko rin pahirapan ang sarili ko (yun nga lang kailangan ko pumasok ng sunday para matapos ko ang aking project central … nge :( ). charge to overtime na lang daw lahat ng nagsipasok :)

milenyo fallen tree

anyways, by mid-afternoon, no tv, no internet and no electric fan, lahat sa bahay e aligaga na. dahil nakahilig pa rin yung puno ng mangga sa wires ng meralco, out of the question pa rin ang magkakuryente kami. since 10 mins away lang ang sm-marilao, nagdecide kaming pumunta na lang dun … para magpalamig :) surprise, surprise … may 3-day sale! at mukhang lahat yata ng taga-meycauayan at marilao e nandoon. punong-puno. i guess marami pa rin ang walang kuryente. kungdi offline ang atm, pagkahaba haba ng pila … mukhang marami ang nagpapanic o di kaya e atat na atat mamili :) mahaba rin ang pila sa mga bangko … para magbayad ng bills. month-end kasi. in the end, wala akong nabili pero kahit papaano e nakapagbayad naman ng mga bayarin. pagbalik namin sa bahay … wala pa rin kuryente. in darkness pa rin kami. nga pala, i therefore conclude na hindi talaga effective sa dilim ang mga scented candles na yan :( … dun na lang tayo sa mga mumurahing malalaking candles, sigurong maliwanag pa :P pagkakain ng dinner, bored na kaming lahat sa bahay, nagsawa na kami kakatingin sa kandila at kakapakinig sa radyo, nag-ikot naman kami sa subdivision. nagsurvey kami kung saan-saan pa brownout. dun namin nadiscover na meron palang mga kalye na kalahati e merong kuryente, kalahati wala. pity naman. hehehe. nalaman namin tuloy kung sino-sino ang magkakalinya ng kuryente. at tutal e nasa mood naman kami maglakad, dinala na rin namin yung mga nasa ref namin (hotdog, isda, etc) sa friendship ni tita conching. may kuryente nga sila, wala naman silang tubig. aha … kalinya rin pala namin yung main pump ng buong subdivision :P

almost 10pm na nagkakuryente kami … napasigaw at napapalakpak kami sa tuwa, kulang na lang sumigaw kami ng alleluia (hahaha). yahoo … may tv na! kaya lang on-off pa rin ang cable. buti na lang ok ang dsl (hay salamat!). at least makakatulog na kaming lahat ng mahimbing … wala ng paypay mode. 32 hours. swerte pa rin kami kasi yung iba wala pa ring kuryente hanggang ngayon. :)

i guess marami tayong natutunang lahat dahil dito sa bagyong ito … billboards should be regulated … pag sinabing signal no. 3, dapat automatic walang pasok, di na kailangang ideclare pa (dati ganito na e … sino bang presidente nagbago ng batas na yan?) … dapat meron ka pa rin transistor radio and batteries, para naman alam mo kung anong nangyayari sa kapaligiran pag brownout … masyado tayong dependent sa kuryente. e bakit ba naman noong araw, nagsurvive naman ang mga lolo at lola natin sa kandila lang sa gabi :) … mag-ipon ng tubig! di nyo alam kung kelan mawawalan. just make sure may takip kasi kung hindi, baka naman ma-dengue naman kayo lahat sa bahay … make sure na fully charge ang cellphone sa gabi o di kaya may spare battery ka. text brigade na talaga ang announcement ng walang pasok. kawawa ka naman kung pumasok ka kahit walang pasok kasi di mo lang nareceive ang text :D … kung meron kang aquarium, dapat meron kang battery-powered air pump, kung di mamamatay ang mga pacu at goldfish mo! (guilty ako dyan, buti na lang merong tinda yung fish shop na malapit sa min) …. at maraming marami pang iba.

kanya-kanyang lessons learned. sana maretain sa utak ng lahat. sana matagal pa bago maulit muli





This entry was posted on Saturday, September 30th, 2006 at 4:36 pm and is filed under Buhay buhay, Current Events, In the Philippines, Nature. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

4 Responses to “milenyo, 32 hours of darkness and more …”

Tita Linda October 3rd, 2006 at 1:41 am

So the Cruzes and the Gamits survived, love this part of your site, no need to make LDC to find out how everyone managed during the storm. No water inside the house of Tita Conching?

Cecille October 6th, 2006 at 12:10 am

hi Tita Linda. yup, no water inside Tita Conching’s house. kahit umulan, di naman bumaha. buti na lang :)

ate sienna October 13th, 2006 at 4:45 am

hehehe.. grabe.. almost 3 days of darkness… i’m glad ok naman kayo…

Cecille October 24th, 2006 at 8:29 pm

uy hello ate sienna … buti nga 32 hours lang sa min, dun sa ibang kaofficemates ko e halos one week! hay buhay talaga :D

Leave a Reply