deal or no deal?

basta maaga ako dumating sa bahay, i make it sure na papanoorin ko ang Deal or No Deal … totoo, gaano ba lang naman kakonti ang ways na pwede mong sabihin ang ‘Open the briefcase’ or ‘buksan mo na ang briefcase’ pero exciting pa rin manood nitong show na to. lalo na kung ilang briefcase na lang e nandun pa ang 2Million o di kaya yung 1Million. pero kung meron man siguro akong sasalihan na gameshow … di ito yun. di ko kaya ang pressure! baka atakihin ako sa puso :)

so bakit ko naman nasulat tong post na to? la lang … nanghinayang lang kasi at 300 lang ang nakuha ni Amy Perez kanina. 1Million at 300, tapos ang offer ni banker e 500thousand pesos plus …. yan … kaya di ako pwede dyan … kasi kung ako yun, kinuha ko na. baka nga nung nasa 400thousand plus pa lang e pinatulan ko na … aba, di naman ako basta basta makakapulot ng perang ganun no. hehehe :)





This entry was posted on Friday, August 25th, 2006 at 10:04 pm and is filed under Usapang Showbiz. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

2 Responses to “deal or no deal?”

ate sienna August 27th, 2006 at 4:27 am

ay true ha… ako siguro hindi ko na iintayin yung 1M. kahit nga sa “laban o bawi” kung umabot na ng 80K ang i-o-offer ni bossing sa akin, grab ko na! pang-divisoria! mwahahaha!!!

Cecille August 28th, 2006 at 12:14 am

uy ateng sienna, ako rin, ako rin !!! aba, marami ng mabibili ang 80K kesa naman sa piso (kulang pa sa pasa-load!) o di kaya e 300 pesos.

Leave a Reply