august 21

I know its already August 22 but there are still some things that I want to say about August 21.

11 years old lang ako ng binaril si Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport. 1st year highschool pa lang ako. Naririnig ko lang ang pangalan ni Ninoy sa parents ko at lolo ko, kasi taga-Tarlac din sila. Wala pa kong kamuang-muang sa mga nangyayari sa Pilipinas noon.

Ngayon, 23 years after, marami ng nangyari sa Pilipinas.

But I always wonder, what if Ninoy did not die on that day? Nangyari kaya ang Edsa Revolution? Nasa position pa rin kaya ang mga Marcos (although karamihan sa cronies nila e nakapwesto na ulit)? Would our lives be any different than it is now? Ninoy’s death was the turning point in our country’s history. It was suppose to change us … as a nation and as an individual. But have we really change for the better? Madumi pa rin ang elections natin. Corruption is alive and kicking … mas malala pa nga yata e. Traffic discipline is almost non-existent. Brain drain is being encountered in the IT and Health Services industry. More than half of the country is living below the poverty line. Mataas pa rin ang crime rate. At marami pang iba.

Sa mga nangyayari sa Pilipinas ngayon, naiisip ko tuloy … are the Filipinos really worth dying for?

well … at least kasama pa rin tayo sa mga masayahing lahi sa buong mundo :)





This entry was posted on Tuesday, August 22nd, 2006 at 1:08 am and is filed under Buhay buhay, In the Philippines. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

One Response to “august 21”

ate sienna August 22nd, 2006 at 4:45 am

i keep on asking myself the same question. with all the things you read about, watch and hear, minsan iniisip mo, ano pa ba ang makakapagpabago sa pilipinas at mga pilipino? lumuha ka man ng dugo, sumakit man ang dibdib mo sa mga nakikita mo, parang pare-pareho na tayong desensitized sa mga nangyayari.

andyan ang mga oil spills, ang mga pandaraya sa mga board exams, ang nahuhuling pagsalba sa mga ofws sa lebanon, ang walang katapusang pangungurakot sa gobyerno.

kung buhay pa nga si ninoy ngayon, ano kaya ang sasabihin nya tungkol sa mga nangyayari ngayon?

…at ano kaya ang masasabi nya sa namamayagpag na career ni kris at ang hit na hit na pelikula nyang “sukob?”

Leave a Reply