ang board exam … bow
tuwing naririnig ko sa radyo o tv ang tungkol sa Nursing board exam leakage e palagi kong tinatanong ang sarili ko … ‘anong gagawin ko kung kasama ko sa examinees?’
i took the ECE board exam 6 months after i graduated from college. alam ko ang pakiramdam ng pinipilit mong irecall at kung maaari, e kabisaduhin lahat ng dapat na natutunan mo habang nag-aaral ka pa, sa loob ng anim na buwan. dumaan din ako sa punto na mistulang wallpaper ng kuwarto ko ang mga manila paper na ang nakasulat e formula ng calculus, geometry at kung ano-ano pang dapat daw ay alam ko. totoo ang sinasabi nila, mapapanaginipan mo lahat ang mga yun. at sa totoo lang, the night before the exam e gusto ko ng magbackout sa pag-take ng exam. ginising ko pa ang nanay ko para mag-iiyak at sabihin na ayoko na. buti na lang pinakalma ako ng nanay ko.
habang nageexam, nandun pa rin ang pressure …. makikita mo yung mga katabi mo na parang ang dali-dali ng exam kasi panay ang compute nila (yun pala nagpapanggap din sila katulad ko). at dahil 2 days ang ECE exam at maghapon pa, di rin namin naiwasan na magkakabarkada na magkatanungan kung ano ang sagot at paano sinolve yung mga questions. kahit anong swear and cross my heart pa ang sinabi namin before the exam na walang magtatanungan, nung magkakaharap na kami at kumakain e yun at yoon pa rin ang pinag-uusapan namin. matunawan ka ba? at parang habang kumakain kayo e ayaw mo na kunin yung next set kasi baka naman bagsak ka na sa una e bakit ka pa magsasayang ng oras. hehe.
pagkatapos ng exam, torture pa rin … di tulad ngayon na after one week e alam na ang results. noong araw e six months pa bago mo malalaman kung successful ka o hindi. meron kang 180 days para isipin ang mga katangahan na pinaggagawa mo habang nagrereview at kung bakit di mo nasagot ang mga questions. 6 months … hanep sa suspense di ba? no wonder meron mga napapraning kakahintay sa results ng board exams (lalo na sa bar exam!).
ngayon… kung kayo ang dumaan sa ganyan, willing ba kayo magretake ng exams, lalo na at alam mong pumasa ka ng totoo at di ka nakinabang sa leakage na yun? kahit ba sabihin nila na portion lang naman ng exam e. madaling sabihin ang mag-retake, pero sa totoo lang, mahirap gawin yun.
This entry was posted on Wednesday, August 23rd, 2006 at 12:58 am and is filed under Ang nakaraan, Buhay buhay, In the Philippines. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.


Cecille August 28th, 2006 at 12:10 am
ok lang yan myepinoy