sa kanto ng buendia

cecille: uy napanood mo ba yung The Buzz? (sabay tingin sa stop light … green. pwede pa tumawid) benil: ay oo … kita mo si sam? cecille: ay hindi …. nakinig lang ako sa radyo e. pero narinig mo si Joed? (tingin ulit sa stop light … orange na… di bale nasa gitna na ko e)

1st parak: (nakatingin lang) 2nd parak: (kaway, kaway tapos humarang sa kotse)

cecille: nakow! cecille: (tigil kotse, tigil tsismis din) manong bakit po? (patay malisya) 2nd parak: mam, red na po cecille: manong orange pa yan kanina a

2nd parak: hindi ho … pulang pula na. pakitabi po muna …

cecille: (abot lisensya sa parak) 2nd parak: (kinuha lisensya sabay punta sa likod ng kotse … lakad, lakad, tapos punta ulit sa driver side) 2nd parak: mam, 2000 po ang beating the red light. major po yun. cecille: ang mahal naman!!! orange pa yung ilaw kanina e. baka naman pwede nating pag-usapan yan? benil: oo nga, baka pwedeng pag-usapan na lang natin? 2nd parak: paano hong pag-usapan? (uy patay malisya si manong parak) cecille: baka ho pwedeng pag-usapan na lang natin 2nd parak: o sige, ignoring traffic signs na lang. 500 lang yun. cecille: naku manong, mahal pa rin. baka pwedeng mas mababa na lang? 2nd parak: seatbelt na lang? 250 lang yun. cecille: ay ayoko nun manong, naka-seatbelt naman ako e. baka pwedeng wala na lang ticket. pagusapan na lang natin. 2nd parak: naku, baka naman mamaya isumbong nyo pa ko nyan. cecille: naku hindi ho manong. pag-usapan na lang natin. 2nd parak: o sige (sabay abot ng jacket ng lisensya ko) cecille: uy benil pautang muna dyan … bayaran ko mamaya benil: (abot pera) cecille: (sinuksok ang pera sa jacket ng lisensya at inabot kay 2nd parak) 2nd parak: (kinuha ang jacket … lakad palayo sa kotse) 2nd parak: (bumalik sa kotse … inabot ang lisensya at jacket) … o sige po mam. cecille: sige po manong. thank you (tingin sa jacket … wala na ang pera)

… kaya ayokong umuuwi ng maaga e. palagi akong nahuhuli ng mga parak. hay naku.

:)





This entry was posted on Monday, November 7th, 2005 at 10:02 pm and is filed under Biyahilo, In the Philippines. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

10 Responses to “sa kanto ng buendia”

shannenita November 8th, 2005 at 10:04 pm

so how much did you “pay” them…?

myepinoy November 9th, 2005 at 2:54 am

Ay naku buhay talaga sa pinas ano? Ang daming (kung ano ano), ayaw ko sabihin.

danniel November 9th, 2005 at 8:02 am

hahaha. mas maganda talaga ang kadi-lakad. magkano lang ba ang multa sa jaywalking????hehehehe. uy, cecille, gimik tayo ulit. nakaka miss mga maka JY

Cecille November 9th, 2005 at 8:37 pm

tin … uy secret. basta dapat divide/2 para hindi mahirapan sa hatian :)

Cecille November 9th, 2005 at 8:37 pm

hi dhing! miss ko na rin ang JYFam .. tagal na nating di nagkikitakits. imagine, almost one year na yun di ba? :D

Cecille November 9th, 2005 at 8:46 pm

myepinoy …. talagang ‘hay buhay sa pinas!’ exciting di ba? :D

cherry November 10th, 2005 at 8:35 pm

ang tanong ko e…. ano ang sinabi ni joed?

Cecille November 11th, 2005 at 5:41 pm

syempre sabi nya ’sino ba naman kami para gawin yun?’ at super iyak sya ha … hmmmm.

kadyo November 12th, 2005 at 7:14 pm

may technique dyan yung 250 dapat tinali mo sa mahabang sinulid para pag split nyo babatakin mo lang yung sinulid..balik ulit sa iyo yung pera..unless…hehe alam na ni manong pules yung raket na yun

Cecille November 12th, 2005 at 11:21 pm

aba, magandang idea yan kadyo … matry nga sa susunod :D

Leave a Reply