it’s an explosion …

my love for you! it’s an explosion … my love for you!

can you believe it? 21 years ng nakakabit tong poster ng Menudo sa cabinet sa dati kong kwarto. wala na yung kwarto, at wala na rin dito sa bahay yung cabinet (nasa tarlac na), pero buhay pa rin ang poster. di ko na napigilan ang sarili ko na kunan ng picture yung poster ng makita ko sya last Sunday :)

di naman obvious na sobrang fan nila ko noon di ba? nagpahingi pa ko sa tatay at nanay ko ng poster dun sa kaibigan nila sa Vicor Records. at natatandaan ko pa, namugto ang mata ko kakaiyak para lang payagan at ibili ako ng nanay ko ng ticket para sa 2nd concert nila. yung 1st concert kasi madali lang ako pinayagan, parang birthday gift yata sa kin yun e. sabi ni mother dear nung sinasabi ko na yung tungkol sa 2nd concert … ‘Napanood mo na dati, papanoorin mo pa ulit? ok ka lang?’ hehehe. nung 3rd time na nagpunta sila dito, di na ko nanood. masyado na silang sikat :D

at dahil nga super love ko sila noon, hanggang ngayon e kaya ko pa silang pangalanan lahat … Ricky Martin (ang cute cute nya talaga noon!) and Roy Rosello at the back. Ray Acevedo (na pumalit kay Ray Reyes), Charlie Masso (na naka-duet ni Leah Salonga) and Robbie Rosa (also known as Draco at nagproduce ng album ni Ricky Martin) in front.

marami pa silang nagawang album until the 1990s, pero hindi ko na rin nasubaybayan ang career nila. syempre napunta na sa ibang banda at musicians ang attention ko. Duran Duran at kung sino-sinong new wave at new romantics band na ang pinakinggan ko pagkatapos kong mabaliw sa kanila.

a oo nga pala, album nila ang kauna-unahang cassette tape na nabili ko sa tanang buhay ko :)





This entry was posted on Saturday, November 5th, 2005 at 12:37 am and is filed under Buhay buhay, My Favorite Things, Usapang Showbiz. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

4 Responses to “it’s an explosion …”

Patty November 10th, 2005 at 7:24 pm

hahaha natawa ako dito. at talo kita cecille dahil ako eh sumugod pa sa eat bulaga (kinaladkad ng mga pinsan kong teenager, tita at lola ko) para lang mapanood sila ng live.

those were the days na ang sayawan sa christmas party ay “explosion” at special song number na “if youre not here”. favorite ko nun si robby at ricky. o-ha.

cherry November 10th, 2005 at 8:40 pm

collector’s item na yang poster! pa=preserve mo na yan.

may friend ng sister ko nakagawa ng fanfic on her “relationship” with ricky martin na nag span ng 11 notebooks ata. hilarious. laking gulat na lang namin na si ricky martin pa ang nagkacareer outside of the group.

Cecille November 11th, 2005 at 5:33 pm

uy patty, gusto ko pa rin ng If Youre Not Here hanggang ngayon. si ricky martin na favorite ko noon pa … kahit di pa sya gaano marunong mag-english nun. :)

Cecille November 11th, 2005 at 5:35 pm

alam mo Cherry, tama ka. dapat yata ingatan ko na yang poster na yan … malay mo balang-araw maging pera yan. hahahaha :)

Leave a Reply