mini-reunion

funerals and wakes almost always turn out to be a mini-reunion for our family … mapa-father or mother-side of the family.

today, we buried an uncle, asawa ng isa sa mga auntie ko na pinsan ng tatay ko (kaya nyong iconnect yan!). actually, dun lumaki kina daddy yung auntie ko na yun kaya halos kapatid na rin ang turing nila sa kanya.

in full-force ang mag-uutol. from left to right, si Uncle Junior, Uncle Armie, tatay ko at si Auntie Fel. si Auntie Pat lang ang kulang, understandably naman kasi hirap na rin sya lumakad and since nung nagkastroke sya e hindi na sya nakakaluwas ng Manila, at saka si Uncle Deotring (kasi matagal na rin nyang nilisan ang mundong ito).

si Annie (asawa ng pinsan kong si Isagani), ako syempre, si Lenlen at si Liway

at syempre, pagkatapos ng libing nagparang-bisita iglesia kami sa mga kamag-anak. first stop namin, sa Molino sa Cavite … kina Uncle Junior.

sarap ng kain ni Auntie Prescy at ni Liway. sarap naman kasi talaga ng alimasag e :)

… at pagkatapos namin kumain, balik na ulit kami ng Paranaque. ang cute ng mga pamangkin ko sa pinsan … di ba? si jeomel, paula, john lloyd, joshua at edison :D





This entry was posted on Saturday, October 15th, 2005 at 6:15 pm and is filed under Buhay buhay. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply