another day at the hospital

this time, tatay ko naman…. nothing serious (sa ngayon) sabi ng mga doktor, pero dapat may follow-up checkup sa gastro. masakit na masakit ang tiyan nya kaninang umaga kaya napilitan kaming dalhin si father dear sa Capitol Medical. kaya ayun, absent na naman ako sa office. pagkatapos kong magpahinga ng 2 days, panic mode na naman kanina. super kaskasera nga ako magmaneho kanina sa NLEX … parang driver ng ambulansya. aba, e namimilipit sa sakit tong tatay ko e. kung meron nga lang akong wangwang e pinaandar ko na (dream ko yan ha … hehehe).

anyways, ok na tatay ko ngayon … makulit at matigas na ulit ang ulo nya. sabi ng doctor, bawasan ang pagkakape at pag-inom ng softdrinks … mukhang acids ang problema. malalaman sa susunod na check up. at palagay ko, pagkatapos ng checkup, malulungkot ang tatay ko sa dami ng magiging bawal kainin.





This entry was posted on Saturday, October 29th, 2005 at 12:24 am and is filed under Buhay buhay. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

4 Responses to “another day at the hospital”

cherry October 29th, 2005 at 6:30 pm

miss, bawal po ang wangwang. kaya nga hinuli si vandolph :)

buti naman ok na dad mo. ung dad ko may bawal na foods din pero ang palusot niya lagi e kung di raw siya ang kakain ay masasayang lang daw ang pagkain. ang hirap talaga magpalaki ng magulang

kadyo October 30th, 2005 at 1:22 pm

hope na magtuloy tuloy na gumaling si tatay mo. buti kamo nandyan ka para para dalhin sya sa hospital.

wala ka na palang problema kung sakaling kelangan mo ng part time job as ambulance driver hehehe

Cecille October 31st, 2005 at 12:17 am

uy sa wangwang din nagsimula ang kalbaryo ni Erap di ba? :)

naku, ok na ok na nga ang tatay ko … makulit na e. at masarap na ulit sya kumain. hintayin na lang na sumakit ulit ang tiyan? hahahaha :D

Cecille October 31st, 2005 at 12:18 am

thanks kadyo :)

bukod sa pagiging ambulance driver, minumuni-muni ko rin maging caller ng bingo (sa ibang kwento na lang kung bakit) … :D

Leave a Reply