doggies day out
if there’s one good thing in our barangay, its the free anti-rabies vaccination the Rotary conducts every year. and yesterday, it turned out to be an outing for our 5 dogs, 2 of Tita Conching’s and about 100plus other dogs in our barangay.
baron and sandara enjoying the ride going to the barangay hall. kita nyo si hero? ayun o nakakandong kay daddy at nanunungaw sa bintana

supposedly, 9am-12nn ang clinic pero ng dumating kami ng 9:15am, meron ng 45 na aso na nasa listahan (excited ang mga may-ari) at di pa nagsisimulang magbakuna yung vet. its going to be a long morning for everybody.

at around 10am, nasa 120plus na ang nakalista. nagstop na rin sila mag-accept ng mga dumadating pa, kasi kulang na yung gamot.

bored to death na mga tao … pati mga aso

buti na lang behave ang mga aso namin (pati na rin yung ibang nandun)
at kagaya ng ibang aso na nandoon, ayaw ng maglakad ni kakai ng turn na nya para iinjection. kailangan pa syang buhatin ng tatay ko para lumapit dun sa vet
eto si baron after the injection, mukhang nahilo na sa init. buti na rin lang hindi umulan, kasi di ko alam kung saan kami sisilong lahat dun.

lampas 11am na ng natawag ang number namin, iisa lang kasi ang vet na nag-iinjection kaya medyo mabagal. sa 200 per shot or 1000 pesos sa limang aso ko, laking natipid ko sa anti-rabies injections ng mga aso. kahit pa nag-amoy araw at amoy aso ko buong umaga, ok pa rin. yun nga lang, nasira ang lahat ng nakaplano na gagawin ko ng sabado.
This entry was posted on Sunday, October 2nd, 2005 at 8:48 pm and is filed under Buhay buhay, My Favorite Things. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.


Pao October 4th, 2005 at 9:27 pm
i so love dogs! we have 2 here at home, sina potchi & kenshi. baka pwedeng makahingi ng anak ni baron. aalagaan namin siya. pramis!