ngayon … sept 11
obviously, wala na naman akong magawa this weekend
so, instead of wasting my time thinking about things beyond my control, i decided to change the layout of this site and rearrange my room … again.
moved the table near the aircon … para hindi yung likod ko na lang palagi ang pinupuntirya nung aircon sa room ko.
moved the bed … nasa gitna na sya ngayon. marami na kasing pumupuna na hindi raw maganda ang pwesto ng kama ko. what do you think? good fengshui na ba sya? anyway, may windchimes sa pintuan ng room ko … just in case
uy, wala na yung Orocan na cabinet? hindi, itinago ko lang sya. dun sa hindi agad makikita ng mga pumapasok sa room ko
actually, nagbabalak akong maglagay ng sofa dito sa room ko para naman pag may nakikipanood (katulad ni mommy, tita conching at ana) e meron namang mauupuan maliban dun sa beanbag. pineprepare ko na kumbaga. pero, bahala na si batman kung kelan magkakabudget at makakabili nun
… at eto na ang dalawang tuta namin. malalaki at makukulit na sila. si kitkat (yung brown) at si tabatina (yung puti).



… at eto ang mangyayari pag pinagsabay mo ang panonood ng Nginiig at pagpiprito ng isda

… at congrats kay Manny Pacquiao
… at konting lessons in history …
una, birthday ni Marcos … heeeps, hindi ako loyalist, sinasabi ko lang na birthday nya.
pangalawa, four years na pala yung 9/11 … tandang tanda ko pa nung paglipat ko sa CNN e nakita kong umuusok at nasusunog yung World Trade Center. at kitang kita ko rin sa tv nung unti unti syang bumabagsak. unang pumasok sa isip ko … “totoo ba to?”
This entry was posted on Sunday, September 11th, 2005 at 11:32 pm and is filed under Buhay buhay. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.


Cecille October 2nd, 2005 at 12:18 am
uy barry … hindi naman yung aking pet fish ang inulam namin