happy

… kasi nakabawi ako sa tulog nitong weekend. talagang ninamnam ko ng husto ang weekend at walang patumanggang pamamahinga at pagtulog ang ginawa ko :)

… kasi nakahanap na ko ng magagamit ko para magpublish ulit ng pictures and photoalbums dito. ayoko na kasi nung ginamit ko dati, di ko gaanong type ang style. this week available na ulit ang aking photos section :)

… sa wakas, medyo makakaluwag na ko sa trabaho. dumating na yung hahawak nung isang project. hay salamat, maasikaso ko na yung talagang project ko. hirap ng sabay-sabay talaga.

… naayos na yung shower sa banyo ko. nag-loosethread kasi kaya ayun, ayaw tumigil ng kakatulo. sayang ang tubig! buti na lang naayos na sya kanina.

and … na-install ko na yung limang speakers at subwoofer sa kwarto ko. sarap manood ng dvd … dumadagundong!

ang babaw ko no? :D





This entry was posted on Sunday, September 25th, 2005 at 10:49 pm and is filed under Buhay buhay. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

2 Responses to “happy”

barry September 28th, 2005 at 3:56 am

ok nga yun pix mo e parang walang pinagkaiba black and white lang ung old pix mo, cool

Leave a Reply