an uneventful weekend
my life is starting to be so boring … sa taas ng toll fee at gasolina e tinatamad na ko magluluwas ng Maynila para magliwaliw tuwing weekend. at idagdag ba ang bayad sa parking, wag na lang talaga, sa bahay na lang ako
feeling ko talaga e isa sa pinakaboring na weekend tong dumaan. pinalipas ko ang dalawang araw na wala akong ginawa kungdi matulog at kumain. para kasing sa araw-araw na lang nitong buong linggo e mahaba na ang apat na oras na tulog sa kin kaya bumawi na lang ako sa tulog.
eto na ang pinaka-highlight ng weekend ko … dumating na ang binili naming bagong sofa. yung mas malaki nasa living room. etong mas maliit dito sa kwarto ko. at least pag nakikipanood na dito sa room ko ang nanay ko e meron na syang mapupwestuhan na comfortable. at pag meron gustong makitulog, e bukod sa pull-out nitong kama e may option pa sya na sa sofa matulog.

ref na lang ang kulang, pwede na kong hindi lumabas ng kwarto ko
This entry was posted on Sunday, September 18th, 2005 at 11:25 pm and is filed under Buhay buhay. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.


Pao September 19th, 2005 at 9:54 am
my response to your comment in my blog:
hello cecille. thanks for finding out about my blog and making your presence felt there. talaga? pareho tayo ng company? so you also know emma? san department ka or are you an agent? hope to hear from yah. tambay ka lang ulit.