walang kawawaang post
eto ang sabi sa kin ni jia le kanina … ‘hoy! mag-update ka naman ng blog mo!’. wala ako maisip na specific topic, kaya puro walang wawa na naman ang masusulat dito…quoted … as in, quoted ang aking kapraningan kay jerry yan. Yes! magazine, june 2005 issue. krung-krung article. showbiz talaga.
falling in love … ayoko na. super daming trabaho lang ang katapat nyan. period
work … gusto ko na lang maging librarian. 8-5 job. paglabas ko di ko na dapat isipin pa ang office. another option, maghahanap na lang ako ng matandang mayaman na madaling mamatay, para no need na kong magtrabaho. at sisiguraduhin kong nasa last will and testament nya ang pangalan ko. bad, bad, bad
lotto … shortcut para yumaman. sana manalo ako sa lotto. bukas na bukas din tataya ako sa lotto.
social life … ano yun? parang nawalan na yata ako nun. month-end, status report, project plan, project central, lipat bahay. paano pa ko magkakasocial life.
movies … anak ng weteng, ano ba huling napanood kong sine???? So happy together? kamote. pathetic.
jueteng … bakit ba naman kasi hindi pa gawing legal? kasi mawawalan sila ng cut? sa totoo lang ha, tumataya ako sa jueteng sa probinsiya namin.
destabilization plot … tigilan!!!!
jerry yan … lintek, gwapo talaga. tama ba naman na tuwing nakikita ko sya sa MG e napapamura pa rin ako sa kagwapuhan nya?
trapik … nagsimula lang ulit ang klase e nagkatrapik trapik na naman. kung dati e pwedeng almost 7am na ko umalis sa min at umaabot pa rin ako ng 7:30 sa parking, e siraulo na lang talaga ko kung gagawin ko pa rin yan ngayon at aasa pa kong umabot sa libreng parking. umasa pa kong aabot ng 8am?
ulan … gusto kong maligo sa ulan. kaya lang tuwing gabi lang naulan ng malakas dito sa min, baka mapulmonya ko pag ginawa ko yun.
my room … magulo, amoy pintura, may privacy. i love it !!!
in your face … he’s just not into you. syempre dun ako agad sa sinabi ni jia le. aray, sagad sa buto. hahahaha
jia le, salamat sa pakikinig. tara, magsingapore na tayo !!!
This entry was posted on Tuesday, June 7th, 2005 at 11:37 pm and is filed under Buhay buhay. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

