my room …
sa totoo lang, if there’s something good about this long weekend, we were able to sort some of our things already. bumalik na kasi kami ng tuluyan dito sa aming totoong bahay noong May 30. at kung anong basura ang inempake namin nung naglipat kami nung early january e yun din ang binitbit namin pabalik dito. things accumulated over a period of 33 years. parang pang-tatlong pamilya ang dami ng gamit namin.for the past 3 days, wala akong ginawa kungdi magbungkal sa mga kahon ko at magtapon ng mga bagay na at one point in my life e importante sa kin. certified magbabasura talaga ko. pati ba naman yung mga notes ng classmate ko nung 3rd yr college na pinaphotocopy ko e naitinago ko pa (at inempake pa ha!).
anyway, naayos ko na ang room ko …kahit papaano. malaki na improvement nya since naglipat kami. presentable na sya ngayon. pero dapat pa rin sya walisin araw-araw, maalikabok pa rin kasi sa paligid namin, marami pa kasi tinatapos sa loob at labas ng bahay namin. marami ng naayos sa bahay, pero malayo pa kami sa finish line, marami pa kaming bubunuuing kahon
eto ang itsura ng room ko ng bagong lipat kami nung May 30
silip muna tayo, baka may tao sa loob
may aircon na, may electric fan pa
ginagawa pa yung table ko
dami unan no?
syempre pwede ba namang walang orocan? hmp, di bagay ang kulay nya sa kulay ng room ha!
ok ba ang cabinet ko? swak na swak di ba? damit nga pala yang may takip, maalikabok pa kasi. baka madumihan e.
pati banyo pink !!!
dagdag tambakan space
at eto na sya ngayon
the first thing you’re going to see as you enter … the only thing that you’ll see hanging on the walls.
syempre magulo pa rin ang table ko. laptop, printer na may nakaupong teddybear, speaker at subwoofer, scanner at cd writer sa gilid, pati yung router. at sangdamakmak na libro sa upuan sa gilid. at marami pa ring libro sa overhead cabinet
ang pinakamamahal kong kama. tatlo na lang ang unan. nandun pa rin si nemo. at pugadbaboy 17 ang binabasa ko ngayon (binili ko yan ng jan or feb this year, nakita ko lang sya ulit ng maglipat na ulit kami. hehehe)
pati beanbag ko nakita ko na rin !!! ehem … oo, si winnie the pooh yung unan
my beloved tv, dvd player at dvds … pati ang aking pinakamamahal na MG cds (1 and 2) e lumabas ng lahat. lumabas na rin yung 2 kong stuff toy na aso.
This entry was posted on Monday, June 13th, 2005 at 10:37 pm and is filed under Buhay buhay, My Favorite Things. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

