my mid-year resolution

maraming bagay ang gusto kong baguhin sa buhay ko sa mga panahon na to. wala namang rule na kapag bagong taon lang gumagawa ng resolution di ba? at saka kalagitnaan na ng taon, so dapat MID-YEAR resolution. para maiba naman.

1. i’m going to lose weight … di pa naman ako overweight at hindi pa rin ako obese, pero feeling ko bouncing na ko. bouncing, as in tumatalbog at umuuga ang mga taba sa katawan ko, lalo na tuwing bumababa ako sa hagdanan ng bahay namin. hehehe :)

2. have a life … as in dehins na ko magbababad sa office hanggang magpalit ng petsa para lang tapusin ang mga never ending na mga trabaho. have a life, as in bibigyan ko ng panahon ang sarili ko para ienjoy ang buhay. :)

3. take a vacation … syempre related pa rin to sa number 2. gusto ko yung matagal-tagal na vacation. one week or more. walang trabahong iniisip. patay ang cellphone.

4. play badminton again … to lose weight? hindi naman. para rin siguro bumilis ang reflexes ko. at saka para maexercise ulit. pag-akyat baba na lang sa hagdanan namin ang exercise ko e.

5. submit status reports on time … hay naku, i’m trying ha!!! nung May on-time ako, 7 more months to go :)

6. to pass that pmp exam … pero bago yun, dapat isubmit ko muna yung application. hehehe. then, start reading and reviewing before the end of the month.

7. magsimba tuwing Linggo … something I havent been doing consistently for the past 6 months. for starters, nagsimba ako today :)

8. go to a confession.

9. and most of all, to really let go and accept the fact that it’s really not meant to be. tigilan na ang kahibangan, ok?????

yun lang. harinawa e magawa ko ang lahat ng resolutions na yan bago matapos ang 2005. wish me luck !!!





This entry was posted on Sunday, June 26th, 2005 at 9:55 pm and is filed under Buhay buhay. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply