kwentong sawi

i decided na this is the day i’m going to buy the aircon for my room …

aga ko gumising kanina, excited akong i-check yung bahay namin, what’s finished and what else needs to be done, kung ano na pwedeng ilipat sa bahay and titigan ulit ang room ko. tapos na ang room ko. it’s been painted already (ehem … light pink!), the bathroom is already finished too (light pink ang tiles … ehem ulit), natakpan na ang outlets. kulang na lang e isaksak ang aircon and ilagay yung salamin dun sa bintana. eto na lang at pwede na ko lumipat at bumalik sa bahay namin. care ko kung wala pa kong cabinet. :)

After lunch, I decided that instead of buying the aircon at SM Marilao, luluwas na lang ako at sa SM City ako pupunta. ano ba naman ang 84 pesos at parking fee kung mas marami naman akong mapapagpilian dun di ba? Aside from the aircon, eto pa ang sabi kong bibilhin ko sa SM City, tutal nandun naman na ko e …

1 aircon
2 cabinet (tingin tingin lang)
1 tv stand
4 pinlites
1 towel rack
1 lalagyan ng mga toiletries
3 telephone outlets
3 cable outlets
2 shower curtains
hooks for the shower curtains
bathroom mirror
sabitan ng damit sa banyo
lalagyan ng toiletries/cabinet
at magpapalit ng Dollar

pagkatapos ng mahigit na apat na oras sa SM, eto ang nabili ko …
4 pinlites
1 towel rack
3 telephone outlet
3 cable outlet

… walang aircon, walang tv stand at hindi rin ako nakapagpapalit ng Dollar. Lintek!!!

Pagkatapos akong iconvince ng salesman sa Appliance Center sa SM na mas maganda ang Fedders-Koppel kesa Carrier (na dapat na bibilhin ko unang una pa lang), at paghintayin kami ni Lesley ng 20 minutes para lang i-check kung may stock pa sila, lumapit ulit sa kin si Mr. Koppel at sinabi na ‘mam, sorry po, wala na pala kaming stock’. Lintek! dami pa syang sinabi, pero in short, ang earliest na pwedeng daw magkaroon ng stock e Monday.

Second attempt ko na pagbili e sa Abenson naman, LG naman ang ipinipilit sa kin na bilhin (di na raw maganda ang Carrier ngayon, sabi nung girl). pero katapos-tapusan, wala rin pala silang stock nung inaalok nya sa kin. Lintek !!!

Third attempt, balik kami sa Appliance Center. This time, nagdecide na kong Carrier na ang bibilhin ko. Promise. 1.25HP, wala na kong pakialam kung may manual, may timer, o may remote. basta ang importante sa kin, may stock. Hintay ulit kami ni Lesley, mga 10minutes na lang ngayon. Pagbalik ni Mr. Carrier, wala na raw stock. Ano ba yan !!! May promo kasi, 0% interest sa credit card, 6 months to pay. Hay naku! Sabi ko kay Mr. Carrier, ‘dapat yata nilalagyan nyo na ng sign dyan kung ‘out of stock’ na para di na naghihintay’. sagutin ba naman ako ng ‘e kasi maraming bumibili, di agad nalalaman’. ayoko ng makipagtalo kay Mr. Carrier, obviously manual nilang tinitingnan kung may stock pa o wala, o kung may inventory system man sila, kulang sila ng computer o di marunong gumamit ang mga tao dun kaya inaabot ng siyam-siyam para lang malaman kung may stock o wala.

Fourth attempt, Automatic Center naman. Sabi kasi nung taga-SM baka meron pa raw stock dun. Pagdating ko dun, wala na rin. Pero sige payag na ko, yun na lang 1.5hp na Carrier. basta makabili lang ako, utang na loob pagbigyan nyo na ko! Pero, nge, pag 1.5hp pala, hindi sya kasama sa promo dun sa credit card. A teka, ibang usapan na yan. Di bale na lang.

At dahil mahal na mahal ko talaga ang SM Appliance Center, balik ulit kami dun. Condura na lang. Pero gusto ko 1 hp or 1.25 hp lang, para naman promo pa rin. Ehem, nawala na yata mga salesman nila ng aircon, parang lahat e nakapila na dun sa stockroom nila. Hirap maghagilap ng mapapagtanungan na matino. Anyways, nung may pumansin na sa min sabi ko agad ‘pakitingnan na nga kung meron pa kayong stock’. Punta si Mr. Condura sa stockroom, mga 5minutes lang nya ko pinaghintay. Di pa rin nagbago ang sagot nila … ’sorry po mam, wala na pong stock’. Lintek !!!

Ayoko na, sa SM Marilao na lang ako bibili. Mas konti ang namimili dun. Baka sakali doon e maging successful ako.





This entry was posted on Saturday, May 14th, 2005 at 9:38 pm and is filed under Buhay buhay. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply