happy thoughts
sabi ko happy thoughts from now on, so here are some of the things that happened in the past na pag naaalala ko e talagang natutuwa at medyo amused ako.1. overnights with the gamols and miswas nung college days. kahit puyat puyat at sobrang pagod, masaya pa rin kasi puro alaskahan at nagkakatulungan pa sa mga projects. isama na rin yun mga nagkukunyari kaming nagrereview for the board exams.
2. 5th year Baguio field trip, 1991. 5 days, 4 nights to. kasama sa requirements para makagraduate. pero kung tutuusin, wala akong natutunan dito sa field trip na to. pero nakapagbonding kami ng husto ng barkada at ng mga klasmeyts ko dito. maligaw ba naman kayo sa bundok e talagang magiging super close kayo. marami ring drama ang nangyari dito at meron pa kaming isang klasmeyt na tinawag akong ‘Carmelita’ … di ko alam kung sobrang lasing lang sya o nasasapian na sya ng mga espiritu dun sa hotel.
3. after grad outing ng barkada sa Pangasinan at La Union. at take note, nung nasa La Union kami e required kaming mag-rosaryo gabi gabi dun sa bahay nila Ana
4. Baguio and La Union lakad ng barkada nung 1998. kinailangan ko pang mag-leave sa office para lang sumama kasi dadating daw si Mel. eto na yata yung last time na ‘halos’ nabuo kami kasi after this e isa-isa ng nagpunta sa abroad ang mga gamol at miswa. eto rin yung time na nasa videoke bar kami e merong biglang may nagrequest sa barkada ko na mama na kantahin yung favorite song nya. e mabait si Ana, pinagbigyan! ayun, sinagot nung mama ang bill namin sa sobrang saya nya
5. My programmer days sa febtc. my first job. super bonding ang mga kasama ko noon sa athenaeum. sa dami ng trabaho at project na inimplement, halos gabi-gabi yata e merong nag-oovernight sa office. halos lahat din ng tao e merong sleeping bag o di kaya banig sa office. normal na lang na kahit alas-otso na e meron ka pang makikitang natutulog sa conference room o di kaya e naglalakad ng naka-shorts at nakapangtulog pa sa office (hello gigi!!!). siguro, nagkataon din lang na puro ‘game’ sa gimik at inuman ang mga tao noon sa office … kung maibabalik ko lang
6. summer of 1998. eto yata yung summer na halos hindi ako mahagilap sa bahay every weekend kasi nasa swimming ako kung saan. eto rin yung first time kong napunta sa Ilocos Norte.
7. gimik at inuman ng Lunes. dalawa o tatlong beses lang nangyari sa kin to. at ginawa ko to nung nasa equitable pa ko
8. dec 1997. eto yung december na nagswimming kami nila alpha sa Splash Island. Take note, nag-inarte muna sya ng husto bago nagdecide na gusto rin pala nyang magswimming. eto rin yung december (dec 26 to be exact) na bigla kaming umakyat ni Mars at Al sa Tagaytay … para kumain ng bulalo. ang nakakatuwa dito e nakasando at walking shorts lang si Al. hehehehe.
9. yung mga fridays namin ni det sa glorietta. uupo at magkakape lang (at iinom ng Blue Ice) kami dun sa may Half-moon cafe sa tapat ng TGIF. at wala kaming gagawin dun kungdi pagtripan lahat ng mga nakapila at nakatayo sa harap ng TGIF at Hard Rock Cafe. actually, medyo nalungkot kami ni det nung nagsara ang half-moon cafe
marami pa kong happy thoughts. mas marami ng di hamak kesa sa mga kadramahan ko sa buhay. masyadong madami kaya uunti-untiin ko na lang.
oo nga pala, Congrats to Alpha and Jojo … it’s a BOY !!!! more to come?
This entry was posted on Tuesday, March 22nd, 2005 at 10:19 pm and is filed under Buhay buhay. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

