confession no. 1

this confession will be about cigarettes …

bawal manigarilyo sa loob ng bahay namin. unang una, dahil walang naninigarilyo sa nanay at tatay ko. pangalawa, kasi dumidikit sa kurtina ang usok ng yosi. pero may ashtray kami. di para sa min, pero para sa mga bisita namin. pero hangga’t maari, pinagbabawal manigarilyo sa loob.

note ha, galing pa ng Vatican City ang ashtray namin. bigay nung madre dun sa shop sa St. Peter’s Basilica. natuwa yata sa kin.

kung tutuusin, i was born into a ’smoking’ family … sa father side, sa kanilang magkakapatid, tatay ko lang at si auntie pat ang hindi naninigarilyo. that means, 4 out of 6. pati ang yumao kong lolo e nagyoyosi rin dati. karamihan din sa pinsan kong lalake e naninigarilyo. sa mother side naman, halos lahat din ng utol na lalake ng nanay ko e naninigarilyo.

actually, i am not a smoker. but i must admit that i tried smoking. at first, it was just for the sake of knowing how it feels and what kind of satisfaction people gets when doing it.

my first taste of cigarette was when i was in college, during the wake of one of my friends during my freshman and sophomore years (he got hit and run by a truck). dahil first time, syempre napaubo ako at parang lahat yata ng usok nung sinindihan yung yosi e napunta sa mata, so muntik na rin akong naiyak. pero dahil hindi rin naman naninigarilyo yun mga naging barkada ko nung 3rd year hanggang maggraduate ako, never ng naulit yun during my college years.

can’t remember the exact date that i had my second taste of cigarette, but that was when i was already working at equitable. social smoking. parehong naninigarilyo ang palagi kong kasama sa inuman at gimikan, kaya imbes na gawin nila kong parang manok na ilalaban sa sabong at iinhale ko lahat ng second hand smoke nila, i decided to join them na lang (hello det and dodj!!!). sa dalas naming gumimik nun, madalas yun. at dahil naninigarilyo rin yung isang pinsan ko nakatira sa min dati, meron ding time na pag nagrereview sya sa gabi o gusto naming mag-emote tungkol sa lovelife namin e nagjajamming kaming dalawa dun sa may harap ng bahay, dun sa may garden set namin. yan ang masaya, kasi pag nagjamming kami nun, kulang na lang e ubusin namin ang isang kaha sa isang upuan lang. yun bang tipong para bang ipapagbawal na ang sigarilyo the next day :)

smoking almost became a habit kasi dumating ang time na pag napepressure ako sa trabaho at naiinis ako sa bosing ko e bumababa kami ni det na para lang magsigarilyo, para mabawasan lang ang inis. pero sabi ko nga, almost lang. di rin nagtagal yun. kasi never kong nagustuhan ang amoy ng sigarilyo, ayoko rin yung pagkatapos magsigarilyo e dumidikit sa damit, buhok at kamay ko yung amoy, at saka mahirap tanggalin sa kamay ang amoy ng sigarilyo. kahit naghugas ka na ng pinakamabangong handwash, nandun pa rin ang amoy nya. at ang pinakaayaw ko, pwede syang maka-bad breath … sa totoo lang, i had to brush my teeth twice para lang matanggal yung lasa ng sigarilyo. minsan nga tatlong beses pa.

eto kakarealize ko lang, hindi ko lang alam kung talaga bang sadya lang marami talagang naninigarilyo sa Pinoy kaya halos lahat ng naging attracted ako at naging labs ko e naninigarilyo, or at one point in their life e smoker din. dalawa lang ang hindi. ewan ko nga ba.

other confessions to follow …





This entry was posted on Friday, March 25th, 2005 at 11:06 pm and is filed under Buhay buhay. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply